kanina ay naatasan akong mag-print ng 82 pages ng documentation para sa aking SA. ang bawat pahina ay naglalaman (on average) ng mga sampung linya. walang problema. akala ko lang. ang ipagamit ba naman sa akin ay isang Epson 300 na printer! kakaiba! sa mga walang ideya sa pinagsasasabi ko, ganito: Manual feeding ang papel. ibig sabihin, paisa-isa lang. tapos, dahil manual feeding, hindi maiiwasang off-centered ang mga papel kaya dapat na ulitin ang ilan. idagdag pa na walang mouse ang ginagamit kong PC. talagang masaya kanina. buti na lang at natapos.
makalipas ang mahigit na isang oras.
Currently listening to: ang tunog ng bulok na printer
Currently feeling: ...