July 6th, 2004
Of brownouts and lack of sleep
nagbabasa ako ng librong tungkol sa fuzzy logic para naman hindi ako matulala sa presentation ng proposal namin bukas (ay mamaya pala) sakaling magtanong ang prof namin ukol dito nang...
BIGLANG NAGDILIM ANG PALIGID, HUMINTO ANG PAG-UGONG NG ELECTRIC FAN, AT NANAHIMIK ANG RADYO
isang pananahimik na sinundan ng mga "putang-inang meralco 'yan!"
makalipas ang ilang minuto muling nanumbalik ang liwanag sa aming barangay at kasabay ng pagsindi ng ilaw sa mga poste ang pagkawala ng interes ko magbasa (dahil pasado alas-dose na rin iyon at ako ay inaantok na). kaya ayos lang.
ata.
basta natulog ako. hanggang alas-tres nga lang. dahil sapagkat kasi... muli na namang nawalan ng kuryente ang aming lugar. buwisit kaya naisip kong pumunta na lang sa internet cafe at magpalipas ng oras. nang makalabas ako ng bahay, pagkatapos ng ilang hakbang, nagkaroon ng ilaw. pinanindigan ko na ang plano ko (kung hindi ay wala sana kayong binabasa ngayon). basta, kung hanggang anong oras ako dito, bahala na. ika nga ng isang taong kilala ko, live in the moment. and i'm making this up as i go along..
isang pahabol: kung sakaling may sabog na parte saanman dito sa aking isinulat, inyo sanang ipagpaumanhin sapagkat kulang talaga ang tulog ko. at kung makita ninyo akong natutulog sa opisina mamaya, maaari sana ay 'wag ninyo muna akong gambalain. pero sige, ayos lang.