Entries for October, 2004

October 1st, 2004

Lakas Tama

Bulag ang pag-ibig
Kasabihan na sa atin
Ngunit para sa'yo
Ang pag-ibig ko ay duling
Pagkat dalawang beses
Ako sa iyo may pagtingin
Kaytindi ng 'yong dating
Sa puso't damdamin
Sa tunay kong pagmamahal
Natotorpe sa'yo
Parang pinasukan ng daga
Ang puso kong bato
Dahil alam ko rin
Walang ibubunga ito
Natatakot akong mawala
Ang isang katulad mo
Lakas-tama! Ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko
Pag nakita ka, sinta
Mga kamay ko ay
Nanginginig na sa iyo
Na makayakap ka
Sa tuwing giniginaw ako
At ang iyong labi
Na sa'kin ay tumutukso
Kailan mahahagkan
Nang matapos na ang gulo
Sa pagputi ba ng uwak
Mo ako sasagutin?
Kung ang kulay ko nga
Ay kayhirap paputiin
Ipagpatawad mo na lang
Kung agad kang mahalin
Gan'to ako kung umibig
Medyo napa-praning
Currently listening to: go figure
Posted by 1217713 at 03:57 PM | 5 !

October 14th, 2004

Mula ngayon..

- Wala na akong maririnig pang iba maliban sa walkman kapag ako ay naglalakad nang mag-isa (provided may baterya pa akong natitira)

- Ang pinakamalayong maaabot-tanaw ng mata ko ay 3 meters, at the most. At mula lang sa beywang pababa ang makikita ko (depende sa layo ng isang tao sa akin. Unless pandak ka.) Hindi nga pala applicable sa mga sports. Sa paglalakad lang maa-activate ang mode na ito.

- Hindi na ako manggugulo sa buhay ng may buhay (or at least i can try not to)

- Maaari na kayong makisindi sa akin ng yosi (dati pa naman ako may lighter sa bulsa pero sabihin ko na rin sa inyo: May lighter ako sa bulsa.)

- Iinom lang ako kapag may paanyaya (or susubukan ko. tsk. mahirap 'to)

- Kakausapin ko lang kayo pag kinausap ninyo ako. Or kung may mahalaga akong dapat sabihin sa inyo. Sasagot naman ako kaya 'wag mag-alala. Hindi nga lang ako ang magsisimula (sana kayanin)

- Kakain na ako palagi sa P35 place. Kailangang magtipid.

- Hindi na ako titingin sa kaliwa/kanan kapag tumatawid.

- Hindi na ako hihinto para sa mga sasakyan. Sila ang hihinto para sa akin. Kung gusto nila akong patigilin, may isang paraan.

- Hindi na ako magpapagupit unless kailangan(although may isang taon nang hindi)

- Maglalakad na lang ako pauwi. Sayang rin ang P4.50/P5.00

- Mag-eehersisyo na ako tuwing umaga (unless mahuhuli na ako sa 8 AM class ko)

- Hindi na ako titingin sa intsik. Tingnan nila ako kung kaya nila. (Nothing against Jomic pero hindi siya chinese para sa akin. Basta, may sarili akong definition kung ano ang chinese)

Disclaimer: I am NOT a racist. Sa Tagalog, hindi ako karerista.

Paalam.
Currently listening to: Pare ko
Currently feeling: decided
Posted by 1217713 at 01:59 PM | 3 !

October 19th, 2004

Nais ko lamang linawin..

na ako lang at AKO LANG ang may pananagutan sa kung anumang naisin kong gawin sa buhay ko! wag kayo mangdamay ng ibang tao! iyon lang.
Posted by 1217713 at 09:08 PM | ?