May 3rd, 2005
Been a long time since i last updated. Here goes...
Went to Zambales with JO, Aleck, Bugie, Chris, Carlos, Nopc, Gummi, Gummi's sister, and Kat. Inaya ako ni Kat kaso wala akong pera kaya sinabi ko na ang tanging paraan para maisama ako ay kung may manlilibre sa amin. At nilibre nila ako. Wehhehe.
Bilang pang-asar, sinuot ko yung shirt na napanalunan ko sa Inquirer Libre more than a year ago. Nakasulat sa likod, "Libre ako!"
Ang tagal ng biyahe. Naka-upo sa harap sina Bugie at Kat. Sa gitna naman sina Nopc, Carlos, Gummi, at kapatid niya. Sa likod kaming apat nila JO, Aleck, Chris, at ako. Para hindi kami mainip sa likod, naglaro kami ng pusoy dos and thus the mobile pusoy dos was informally inaugurated with Chris' bag serving as our table. Woohoo. Pioneer kaming apat!
Maraming masayang nangyari sa Zambales! Hindi ko kayang isulat ang lahat dito. Isang araw nga lang pala kami uminom. Nung first night lang. Nung second day, naglakad kami sa dagat. Sa dagat talaga kasi may part sa beach na mabato at hanggang ankle lang yung tubig kahit malayo ka na sa shore. Tutuloy sana kaming maglakad hanggang Tsina kaso may nakita kaming sea urchin. Tapos, marami na ring seaweeds so hindi na namin alam kung ano yung maaari naming matapakan namin dun. Bumalik na kami. Sa paglalakad namin pabalik, nakakita kami ng baby jellyfish, sea snake, at sumisisid na Manuel Quezon. What are the odds na makapulot ka ng bente pesos sa dagat? Swerte lang talaga siguro. Malapit na rin birthday ko nun e. Nag-bonfire kami kinagabihan. Tapos tinulugan ko sila.
Nung ikatlong araw, naglakad ako mag-isa patungong ilog. Ang lamig nung tubig ilog. Masarap sanang lumangoy kaso (1) hindi ako nagdala ng damit, (2) naparanoid ako, at (3) nakakita ako ng slug na akala ko ay balat ng ahas na lumulutang sa tubig pero nalaman ko na hindi pala nung kinuha ko gamit ang isang stick at nakita ko na gumagalaw pala. Umuwi kami mga bandang 3 ata. Kami ni Aleck ay bumalik sa kung saan kami nagsimula, sa Starbucks.
_____
Bumalik na naman ang dating ako. Araw-araw na inom ampotah.
April 28 - Soju with Tito Mark. One month ko atang naipangako sa kanya yun e. tiyempo lang na sa bday ko pa.
April 29 - 2 long neck na emperador, 1 long neck na fundador, at isang bote ng red wine para naman sa kaarawan ng pinsan ko.
April 30 - Dahil kinabukasan ay piyesta at wala lang. Uminom kami ng Red horse at san mig light.
May 1 - Dahil piyesta talaga, uminom kami ng 3 case ng strong ice, 1 case ng colt ice at isang case ng red horse. Halos sikatan na kami ng araw.
May 2 - Di sinasadyang mapadaan sa Caton at naanyayahan. 2 shots lang ako ng gin kasi sinabi ko sa sarili ko na magpapahinga muna ako. Umuwi ako pagkatapos ng ikalawang shot.
Aray ko atay ko...