Nung isang gabi, niyaya ko ang utol ko na pumunta sa pinakamalapit na 24-hour convenience store sa amin, ang Kin Mart (na dating Mido Mart). Naka-sando lang ako nun na panloob sa short-sleeved polo na ginamit ko sa isang shoot. Kinuha kasi akong artista. At siyempre, shorts. Mas matino nang kaunti ang suot ng utol ko.
Kumuha ako ng isang Sunkist(?) Lemon Iced Tea, Choco Knots, at Nutty Choco na Loaded. Sunkist(?) Green Tea, corn chips, at isa pang chichiryang hindi ko maalala ang sa utol ko. Sagot ko siyempre. Galante ako e. *ubo ubo*
May dalawang tao(?), babae(?), pa sa harap namin kaya nag-kwentuhan muna kami ng utol ko. Sabi ko, na-holdap na naman ako sa bahay. Kinuha ng tiyo namin yung sampung piso ko. Tapos sumigaw ako, "HOLDAP!" Tumawa kami pareho.
Akalain mo namang biglang humirit yung nasa harap. Hindi nag-register sa akin ang lahat ng sinabi nila. Patunay na wala akong pakialam sa kanila. Pinaliwanag pa sa akin ng utol ko pagkatapos. Para linear ang paglalahad ko nito sa inyo, hayaan ninyong mamaya ko na sabihin. Hahaha.
Basta ang narinig ko noon ay "Holdap?" At naaalala kong masama ang tingin sa akin nung isang tao(?). Sabi ko, "Mukha ba akong holdaper?" At umalis na sila. Nagbayad na kami ng utol ko. Ay. Ako lang pala. Kinausap rin ako ng kahera. Sabi niya, "Huwag mo nang pansinin yun." At dito ko lang nalaman ang kabuuan ng sinabi nung tae, este, tao(?).
Ayon sa utol ko, ito yun: "Holdap? Militar ang asawa ko." Blahblahblah. Di ko na maalala e. Hahaha.
Pero nung nalaman ko nga, sobrang nabuwisit ako dahil (1) hindi ako masamang tao, (2) hindi ako mukhang masamang tao, at (3) hindi ko kailangang magnakaw. Maaaring kinakapos ako sa pera paminsan pero ako na mismo ang gumagawa ng paraan para mabigyan ng solusyon ang problemang iyon. At isa pa, hindi naman ako tanga para mang-holdap nang ganoong lagay, na wala akong panakip man lang sa mukha ko at sandata. AT isa pa, may hawak akong paninda. Sinong tao ang nasa tamang pag-iisip ang mangho-holdap sa gannong kalagayan? Sila ang tanga. Nakakainis ang mga taong(?) bobo. At kulang sa pansin.
Kaya paglabas namin, tiyempong di pa naman sila nakakalayo, sumigaw kami ng utol ko, "DAY OOOOOOOOOOOOOOOOOOOFF!!!" Hahaha.
Masama na kung masama. Mayabang na kung mayabang. E sa ganoon talaga ako e.
Currently listening to: Some The Calling music from my tito's playlist
Currently feeling: sad. Not depressed, sad.