September 5th, 2008
1
may hinahanap akong pangalan. babae. kasi ganito:
kaklase ko siya, tapos hindi ko alam pangalan niya at ayaw ko
magtanong. ayokong malaman niya o ayokong aminin na hinahanap ko ang
pangalan niya. alam ko appelyido niya kasi nung tinawag nung professor
yung pangalan na "_" at siya yung sumagot. at alam ko ring babae siya
kasi may mata ako, at may kapasidad akong gumawa ng distinksyon base sa
mga anatomical na kategorya, o kaya sa depinisyong "via negativa". na
hindi siya lalaki. pero, hindi ko naman agad masasabi kung lesbyana
siya. kaya, niririsearch ko sa _ kung lesbyana siya para hindi ko na
itatanong sa kanya. kaya, hinahalungkot ko sa internet, lalo na sa _,
dahil nandun na ang lahat, auto-summary nung buhay niya, yung mga
maaring kakilala niya, kung ano gusto niya, mga ganun. wala pa akong
nakita tungkol sa kanya. ang pagiging lesbyana niya o hindi ay integral
para sa akin. kaya, medyo kailangan ko pangalan niya.
gamit yung
pangalan niya, maari kong malaman kung ano ang tawag sa kanya sa bahay
nila, ng nanay/kapatid (kung meron)/lolo niya (example: amanda=aman,
nada, manda, mandy, mana, daman, mandzzzz, amanding, namda,
ah-mahn-duuu). gusto mo ba akong tulungan.
1
"kelangan
sigurong malaman ko muna ang pakay mo sa paghahanap sa kanya bago kita
tulungan (ngisi). tawagin mo nang pagtatakip ito sa napipintong
pagkawasak ng misteryo ng isang babae, pero... hehe. ganun na nga
siguro."
2
hindi pagkawasak nung misteryo kungdi pagpalaganap
pa nito, lalo. na, dahil sa pagpapami ng malalaman ko tungkol sa kanya
mas dadami din ang maitatago niya sa akin. sa detalye bubuhay ang
misteryo. baliktad dapat. pero, maaring gumuho ang misteryo. mabuti
nang isugal. kung mangyari man yun hindi ko na siya tatangkilikin pa.
kung wala na siyang maaring ipagtapat o intanggi.
pareho tayo ng
skwelahan. yung babaeng tintutukoy ko dun din nagaaral.c_ ni maam l_'s,
literary theory, introduction: isang beses nagaabang kaming dalawa at
iba pa naming kaklase para makipagkonsultasyon. sinaad niya na ang
magiging topic ng paper niya ay ang dekonstruksyon na pagbabasa sa
ilang tula ni angela manalang-gloria. ito pa ang iba kong nalaman
tungkol sa kanya, ayon sa pakikipagusap niya sa mga kaklase niya/namin:
makanis siya tumawa, nung bata siya nagbabasa siya ng candy mag (at sa
umagang yon, ayon sa isang test sa isang bagong isyu nung candy mag, sa
isang test, isa raw siyang "crush-hush"), ang tansta kong size ng paa
niya ay eight o eight and a half, bewang ay 26-28 (pero madalas
maluwang yung pantalon na sinusuot niya, siguro binibilhan siya ng
pantalon na nakasale, wala namang bakas ng biglaang pagkapayat niya),
five foot five, five foot six/seven kung suot niya yung grey niya na
nike trainers na alaspag na dahil halos araw araw niya ito suot (hindi
pa lubos na gamit ang swelas. ibig sabihin hindi niya ginagamit ang
sapatos na pangtakbo. hindi ako alam kung paano siya tumakbo). isang
beses ko pa lang siya nakita nakatsinelas. mahilig siya sa cheese
sandwich, madalas siya kumakain nun pagkatapos nung _ klas namin. ang
cup size niya ay a, sa cup size ako pinakasigurado (pero hindi din ibig
sabihin nun na yun na ang katotohanan). timbang ay possibleng
110-120-(125?) lbs, mukha kasi siyang matangkad dahil mahaba ang
galamay niya pero hindi siya ganung katangkad talaga, matangkad lang
siya sa tingin. nagaaccessorize siya ng relo at panali sa buhok,
madalas magkakulay yung benda ng relo at yung panali niya sa buhok.
meron siyang tatlong relo: purple na benda, red na benda, brown na
benda. hindi ko alam yung mga brand pero hindi mukhang mamahalin. pero
hindi rin ako sigurado dito, may kalayuan ang upuan ko sa upuan niya at
nagsasalamin na ako ngayon. medyo malabo na ang mata ko. pero lalaki
siya magsuot ng relo, nakalabas ang mukha at hindi nakatago sa ibabaw
nung pulso. nagbabasa siya ng c_ p_, yung libro ay "rant" (isang beses
pa lang siya nagbasa sa klase, naiinip siya dahil huli yung prof sa _
klas namin). hindi ko pa nababasa yun. at, ang pinaka magandang niyang
angulo para kunan ng litrato (pero ito ay sugal na tansta), ay profile.
lalo na kapag nakataas ang buhok niya (tinataas niya ang buhok niya
kapag exam). lalo na.
sa totoo lang, wala akong dahilan na maaring ibigay para magbigay ng sapat na kredebilidad na magmumungkahi sa tulong mo.
2
"natatawa
at natutuwa ako sa 'yo. maaaring hindi ka maniwala, pero nagkaruon ng
isang kisap sa pagbabasa ko sa paglalarawan mo sa "misteryosang babae"
ng iyong klase... isang kisap, kung saan naramdaman kong tila ako ang
babaeng tinutukoy mo. ako ang babaeng hinahanap mo. lamang, huwag mo na
itong alalahanin. ito ang bahagi ng sarili ko na nag-aasam ng ganiyang
klaseng pagtunton. ganiyang klaseng pagkasindak. ganiyang klaseng
pagkarahuyo. ito ang bahagi ng sarili ko na nag-aasam na sana, ako na
lang si clara.
"nawa'y palarin ka na lamang sa paghahanap, at
pag-alam ng kanyang tunay na pagkatao. kukuha rin ako ng masteral sa _
sa susunod na pasukan, anthropology. pag nagkita tayo, kwentuhan mo ako
tungkol sa mga natuklasan mo sa binibining crush-hush.
"ingat."
3
miss, salamat na lang. hindi mo pala ako matutulungan.
